Add parallel Print Page Options

16 Naging anak naman ni Jacob si Jose na asawa ni Maria. Si Maria ang nanganak kay Jesus na tinatawag na Cristo.

17 Samakatuwid, ang lahat ng sali’t saling lahi mula kay Abraham hanggang kay David ay labing-apat na lahi. Mula naman kay David hanggang sa panahon ng pagkabihag sa Babilonia ay labing-apat na sali’t saling lahi. Mula naman sa panahon ng pagkabihag sa Babilonia hanggang kay Cristo ay labing-apat na sali’t saling lahi.

Ipinanganak si Jesus

18 Ganito ang naging kapanganakan ni Jesucristo. Ang kaniyang inang si Maria ay nakatakdang mapangasawa ni Jose. Ngunit bago pa sila nagsama, si Maria ay natagpuang nagdadalang-tao na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Read full chapter