Add parallel Print Page Options

Isinilang ang Cristo(A)

18 Ganito ang pangyayari sa pagsilang ni Jesu-Cristo. Nang si Maria na kanyang ina ay ipinagkasundong ikasal kay Jose, bago sila nagsama, si Maria ay natagpuang nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. 19 Sapagkat si Jose ay isang mabuting tao at hindi niya nais na malagay sa kahihiyan si Maria, siya'y nagpasya na hiwalayan na lamang ito nang lihim. 20 Subalit habang pinag-iisipan niya ang mga bagay na ito, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon na nagsasabi, “Jose, anak ni David, huwag kang mangambang pakasalan si Maria, sapagkat ang nasa sinapupunan niya ay mula sa Banal na Espiritu.

Read full chapter