Add parallel Print Page Options

20 Subalit habang pinag-iisipan niya ang mga bagay na ito, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon na nagsasabi, “Jose, anak ni David, huwag kang mangambang pakasalan si Maria, sapagkat ang nasa sinapupunan niya ay mula sa Banal na Espiritu. 21 Magsisilang siya ng isang lalaki at ang ipapangalan mo sa kanya ay Jesus, sapagkat ililigtas niya ang kanyang sambayanan mula sa kanilang mga kasalanan.” 22 Naganap ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:

Read full chapter