Add parallel Print Page Options

21 Manganganak siya ng isang lalaki at papangalanan mo siyang Jesus,[a] dahil ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” 22 Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, 23 “Magbubuntis ang isang birhen[b] at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin siyang Emmanuel”[c] (na ang ibig sabihin, “Kasama natin ang Dios”).

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:21 Jesus: Ang ibig sabihin ng pangalang Jesus sa wikang Hebreo ay “Nagliligtas ang Panginoon.”
  2. 1:23 birhen: o, dalaga.
  3. 1:23 Isa. 7:14.