Add parallel Print Page Options

Pagkaalis nila, nagsimulang magsalita si Jesus sa napakaraming tao patungkol kay Juan. Ano ang nais ninyong makita at lumabas kayo sa ilang? Isa bang tambo na inuuga ng hangin? Sa inyong paglabas, ano ba ang nais ninyong makita? Isang taong nagdadamit ng malambot na kasuotan? Narito, ang mga nagdadamit ng malambot na kasuotan ay nasa mga bahay ng mga hari. Ngunit ano ang nais ninyong makita at lumabas kayo? Isa bang propeta? Oo, at sinasabi ko sa inyo: Higit pa sa isang propeta.

Read full chapter