Add parallel Print Page Options

Ngunit nang makita ito ng mga Fariseo, sinabi nila sa kaniya: Narito, ang iyong mga alagad ay gumagawa ng gawaing labag sa kautusan sa araw ng Sabat.

Ngunit sinabi niya sa kanila: Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David noong siya at ang kaniyang mga kasama ay nagutom? Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain ang mga tinapay na inihandog. Subalit labag sa kautusan na siya at ang mga kasama niya na kumain nito, dahil ito ay para sa mga saserdote lamang.

Read full chapter