Add parallel Print Page Options

26 Kung si Satanas ay nagpapalayas kay Satanas, nahahati siya laban sa kaniyang sarili. Kung gayon, papaano pa makakatayo ang kaniyang paghahari? 27 Kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, sa pamamagitan nino nagpapalayas ng mga demonyo ang inyong mga anak? Kaya nga, sila ang magiging mga tagahatol ninyo. 28 Ngunit yamang ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, dumating na nga sa inyo ang paghahari ng Diyos.

Read full chapter