Add parallel Print Page Options

27 Kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, sa pamamagitan nino nagpapalayas ng mga demonyo ang inyong mga anak? Kaya nga, sila ang magiging mga tagahatol ninyo. 28 Ngunit yamang ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, dumating na nga sa inyo ang paghahari ng Diyos.

29 O, paano ba mapapasok ng isang tao ang bahay ng isang malakas na tao at masamsam ang kaniyang mga ari-arian? Hindi ba kailangang gapusin muna niya ang malakas na tao? Pagkatapos, masasamsam na niya ang kaniyang bahay.

Read full chapter