Font Size
Mateo 12:38-40
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mateo 12:38-40
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Hinanapan si Jesus ng Palatandaan(A)
38 Sinabi(B) naman sa kanya ng ilang tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, “Guro, maaari po bang magpakita kayo sa amin ng isang palatandaan?” 39 Sumagot(C) si Jesus, “Lahing masama at taksil sa Diyos! Naghahanap kayo ng palatandaan ngunit walang ipapakita sa inyo maliban sa himalang nangyari kay Propeta Jonas. 40 Kung(D) paanong si Jonas ay tatlong araw at tatlong gabing nasa tiyan ng dambuhalang isda, ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabi ring nasa ilalim ng lupa.
Read full chapter