Add parallel Print Page Options

39 Ngunit sinabi niya sa kanila: Kayo ay isang lahing masama at mapangalunya. Mahigpit kayong naghahangad ng isang tanda. Walang tanda na ibibigay sa inyo kundi ang tanda ni Jonas na propeta. 40 Ito ay sapagkat kung paanong si Jonas ay nasa loob ng tiyan ng balyena sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, gayundin naman ang Anak ng Tao. Siya ay pupunta sa kailaliman ng lupa sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. 41 Ang mga lalaki sa Nineve ay titindig sa araw ng paghuhukom na kasama ng lahing ito. Sila ang hahatol sa lahing ito sapagkat nagsisi sila sa pangangaral ni Jonas. At narito, ang isang higit na dakila kaysa kay Jonas.

Read full chapter