Add parallel Print Page Options

12 Sapagkat(A) sinumang mayroon ay lalong bibigyan, at magkakaroon siya ng kasaganaan; ngunit sinumang wala, pati ang nasa kanya ay kukunin.

13 Dahil dito ay nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga, sapagkat sa kanilang pagtingin ay hindi sila nakakakita, at sa kanilang pakikinig ay hindi sila nakakarinig, at hindi sila nakakaunawa.

14 Natutupad(B) nga sa kanila ang propesiya ni Isaias, na nagsasabi:

‘Sa pakikinig kayo'y makakarinig, ngunit kailanma'y hindi makakaunawa,
    at sa pagtingin kayo'y titingin, ngunit kailanma'y hindi makakabatid.

Read full chapter