Add parallel Print Page Options

12 Ito ay sapagkat ang sinumang mayroon ay bibigyan pa, at magkakaroon ng sagana.Ngunit ang sinumang wala, aalisin pa ang nasa kaniya. 13 Kaya nga, nagsasabi ako sa kanila sa mga talinghaga.

Ito ay sapagkat tumitingin sila at hindi nakaka­kita. May pinapakinggan sila ngunit hindi sila totoong nakikinig at hindi sila nakakaunawa.

14 Natupad sa kanila ang isinulat ni propeta Isaias na sinasabi:

Sa pamamagitan ng pakikinig ay makakarinig kayo ngunit hindi kayo makakaunawa. Sa pagtingin ay makakakita kayo, ngunit hindi kayo makakatalos.

Read full chapter