Font Size
Mateo 13:14-16
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Mateo 13:14-16
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
14 Sa kanila natupad ang sinabi noon ni Isaias:
‘Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makakaunawa.
Tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakakita.
15 Dahil matigas ang puso ng mga taong ito.
Tinakpan nila ang kanilang mga tainga,
at ipinikit ang kanilang mga mata,
dahil baka makakita sila at makarinig,
at maunawaan nila kung ano ang tama,
at magbalik-loob sila sa akin,
at pagalingin ko sila.’[a]
16 Ngunit mapalad kayo, dahil nakakakita kayo at nakakaunawa.
Read full chapterFootnotes
- 13:15 Isa. 6:9-10.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®