Add parallel Print Page Options

22 Ang mga naihasik sa mga dawagan ay ang nakikinig ng salita. Ngunit ang kabalisahan ng kapanahunang ito at ang daya ng kayamanan ang dumaig sa salita, at hindi ito nagbunga. 23 Ang mga naihasik sa matabang lupa ay ang nakikinig ng salita at nauunawaan ito. Kaya naman, ito ay nagbubunga, ang ilan ay tig-iisangdaan, ang ilan ay tig-aanimnapu at ang ilan ay tig-tatatlumpu.

Ang Talinghaga Ukol sa Masamang Damo

24 Isinalaysay niya ang isa pang talinghaga sa kanila na sinasabi: Ang paghahari ng langit ay natutulad sa isang lalaki na naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukirin.

Read full chapter