Add parallel Print Page Options

26 Nang sumibol na ang mga usbong ng trigo at namunga, lumitaw rin ang mga masamang damo.

27 Kaya ang mga alipin ng may-ari ng sambahayan ay lumapit sa kaniya at sinabi: Ginoo, hindi ba mabubuting binhi ang iyong inihasik sa iyong bukid? Kung gayon, saan nanggaling ang masasamang damong ito?

28 Sinabi niya: Isang kaaway ang may kagagawan nito.

Sinabi ng mga alipin sa kaniya: Kung gayon, ibig mo bang tipunin namin ang mga ito?

Read full chapter