Add parallel Print Page Options

Maraming bagay ang sinabi niya sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga.Sinabi niya: Narito, lumabas ang isang manghahasik upang maghasik. Sa kaniyang paghahasik, may ilang binhing nahulog sa tabing-daan. Dumating ang mga ibon at kinain ang mga ito. Ang ilan naman ay nahulog sa mga mabatong lugar at doon ay walang sapat na lupa. Tumubo agad ang mga ito, palibhasa hindi malalim ang lupa.

Read full chapter