Font Size
Mateo 13:30-32
Ang Salita ng Diyos
Mateo 13:30-32
Ang Salita ng Diyos
30 Pabayaan ninyong kapwa silang tumubo hanggang sa anihan. Sa panahon ng anihan, sasabihin ko sa mang-aani: Tipunin muna ninyo ang masasamang damo at inyong pagbigkis-bigkisin upang sunugin. Ngunit ang mga trigo ay tipunin sa aking bangan.
Ang Talinghaga Ukol sa Binhi ng Mustasa
31 Isinalaysay niya sa kanila ang isa pang talinghaga na sinasabi: Ang paghahari ng langit ay katulad ng isang buto ng mustasa. Kinuha ito ng isang lalaki at inihasik sa kaniyang bukirin.
32 Pinakamaliit ito sa lahat ng mga binhi. Ngunit nang lumaki na, ito ang pinakamalaki sa mga gulay at naging isang punong-kahoy. Dumating dito ang mga ibon sa himpapawid at namugad sa kaniyang mga sanga.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International