Font Size
Mateo 13:32-34
Ang Salita ng Diyos
Mateo 13:32-34
Ang Salita ng Diyos
32 Pinakamaliit ito sa lahat ng mga binhi. Ngunit nang lumaki na, ito ang pinakamalaki sa mga gulay at naging isang punong-kahoy. Dumating dito ang mga ibon sa himpapawid at namugad sa kaniyang mga sanga.
Ang Talinghaga Patungkol sa Pampaalsa
33 Isa pang talinghaga ang isinalaysay niya sa kanila:Ang paghahari ng langit ay katulad sa pampaalsa na kinuha ng isang babae. Inihalo niya ito sa tatlong takal na harina hanggang sa mahaluan ang lahat.
34 Ang lahat ng mga bagay na ito ay sinabi ni Jesus sa napakaraming mga tao sa pamamagitan ng mga talinghaga. Wala siyang sinabi sa kanila na hindi sa pamamagitan ng talinghaga.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International