Add parallel Print Page Options

Ang Paggamit ni Jesus sa mga Talinghaga(A)

34 Ang lahat ng mga bagay na ito'y sinabi ni Jesus sa maraming tao sa pamamagitan ng mga talinghaga, at wala siyang sinabi sa kanila na hindi sa pamamagitan ng talinghaga.

35 Ito(B) ay upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta,[a]

“Bubuksan ko ang aking bibig sa pagsasalita ng mga talinghaga;
isasalaysay ko ang mga natatagong bagay mula pa nang itatag ang sanlibutan.”[b]

Ang Kahulugan ng Talinghaga ng mga Damo sa Triguhan

36 Pagkatapos ay iniwan ni Jesus[c] ang napakaraming tao at pumasok sa bahay. Lumapit sa kanya ang kanyang mga alagad, na nagsasabi, “Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga ng mga damo sa bukid.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 13:35 Sa ibang lumang kasulatan ay propeta Isaias .
  2. Mateo 13:35 Sa ibang lumang kasulatan ay walang sanlibutan .
  3. Mateo 13:36 Sa Griyego ay niya .