Add parallel Print Page Options

Ang Kahulugan ng Talinghaga ng Masamang Damo

36 Nang magkagayon, pinaalis ni Jesus ang napakaraming tao at pumasok sa bahay. Lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad at sinabi: Ipaliwanag mo sa amin ang talinghagang patungkol sa masamang damo sa bukid.

37 Siya ay sumagot at sinabi sa kanila: Ang naghasik ng mabuting binhi ay ang Anak ng Tao. 38 Ang bukid ay ang sanlibutan. Ang mabuting binhi ay ang mga anak ng paghahari ng Diyos. Ngunit ang masamang damo ay ang mga anak ng masama.

Read full chapter