Add parallel Print Page Options

Ang Talinghaga Patungkol sa Lambat

47 Ang paghahari ng langit ay katulad din ng isang lambat na inihulog sa dagat at nakahuli ng sari-saring isda.

48 Nang mapuno ito, hinila nila sa pampang. Umupo sila at tinipon ang mabubuting isda sa mga lalagyan. Ngunit ang masasamang isda ay itinapon nila. 49 Gayundin ang mangyayari sa katapusan ng kapanahunang ito. Lalabas ang mga anghel at ihihiwalay ang masasama sa matutuwid.

Read full chapter