Add parallel Print Page Options

Ang Pagkamatay ni Juan na Tagapagbautismo(A)

14 Nang panahong iyon ay narinig ng tetrarkang[a] si Herodes ang balita tungkol kay Jesus.

At sinabi niya sa kanyang mga lingkod, “Ito ay si Juan na Tagapagbautismo na muling binuhay[b] sa mga patay; kaya't nagagawa niya ang mga kababalaghang ito.”

Sapagkat(B) dinakip ni Herodes si Juan, iginapos niya ito at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias, na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe.[c]

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 14:1 pinuno ng ikaapat na bahagi ng isang teritoryo .
  2. Mateo 14:2 Sa Griyego ay ibinangon .
  3. Mateo 14:3 Sa ibang mga kasulatan ay asawa ng kanyang kapatid na lalaki .