Add parallel Print Page Options

11 Dinala ang kaniyang ulo na nakalagay sa isang pinggan at ibinigay sa dalaga. Dinala naman ito sa kaniyang ina. 12 Dumating ang kaniyang mga alagad at kinuha ang kaniyang bangkay at inilibing ito. Pumaroon sila kay Jesus at ibinalita ito sa kaniya.

Pinakain ni Jesus ang Limang Libong Lalaki

13 Nang marinig ito ni Jesus, umalis siya roon na sakay ng bangka upang magtungong mag-isa sa isang ilang na pook. Nang marinig nga ito ng mga tao, sumunod sila sa kaniya na naglalakad mula sa mga lungsod.

Read full chapter