Add parallel Print Page Options

12 Dumating ang mga alagad ni Juan,[a] kinuha ang bangkay at inilibing ito. Pagkatapos, sila'y umalis at ibinalita kay Jesus.

Ang Pagpapakain sa Limang Libo(A)

13 Nang marinig ito ni Jesus, umalis siya roon na sakay ng isang bangka tungo sa isang ilang na lugar na wala siyang kasama. Nang mabalitaan ito ng maraming tao, naglakad silang sumunod sa kanya mula sa mga bayan.

14 Pagdating niya sa pampang, nakita niya ang napakaraming tao. Nahabag siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit sa kanila.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 14:12 Sa Griyego ay kanyang mga alagad .