Add parallel Print Page Options

At sinabi niya sa kanyang mga tauhan, “Ang taong iyon ay si Juan na Tagapagbautismo! Siya'y ibinangon mula sa kamatayan kaya't nagagawa niya ang mga himalang ito.” Nauna noon ay (A) ipinadakip ni Herodes si Juan. Iginapos niya ito at ibinilanggo dahil kay Herodias, na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe.[a] Sapagkat (B) pinagsasabihan siya noon ni Juan, “Labag sa batas na angkinin mo ang babaing iyan.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 14:3 Sa ibang mga manuskrito asawa ng kanyang kapatid na lalaki.