Add parallel Print Page Options

Sinabi niya sa kaniyang mga lingkod: Ito ay si Juan na tagapagbawtismo. Siya ay muling nabuhay mula sa mga patay kaya nakakagawa siya ng ganitong mga himala.

Ito ay sapagkat si Herodes nga ang nagpahuli kay Juan noon. Ginapos niya siya at ipinabilanggo alang-alang kay Herodias na asawa ni Felipe na kaniyang nakakabatang kapatid. Ito ay sapagkat sinabi ni Juan sa kaniya: Hindi matuwid na ariin mo siyang asawa.

Read full chapter