Add parallel Print Page Options

36 Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda. Nagpasalamat siya at pinagputul-putol ang mga ito. Ibinigay niya ang mga ito sa kaniyang mga alagad at ibinigay naman ng mga alagad sa napakaraming tao. 37 Kumain silang lahat at nabusog. Pinulot nila ang mga lumabis sa mga pinagputul-putol at nakapuno sila ng pitong kaing. 38 Ang kumain ay apat na libong lalaki, bukod pa sa mga babae at mga bata.

Read full chapter