Add parallel Print Page Options

Ang mga tao sa panahong ito ay masama at mapangalunya. Mahigpit silang naghahangad ng isang tanda. Ngunit walang ibibigay na tanda sa kanila kundi ang tanda ni propeta Jonas.Umalis si Jesus at iniwan sila.

Mag-ingat sa Pampaalsa ng mga Fariseo at Saduseo

Nang ang kaniyang mga alagad ay makarating sa kabilang ibayo, nakalimutan nilang magdala ng tinapay.

Sinabi ni Jesus sa kanila: Mag-ingat kayo sa mga pampaalsa ng mga Fariseo at mga Saduseo.

Read full chapter