Font Size
Mateo 17:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mateo 17:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
18 Inutusan ni Jesus ang demonyo na lumabas sa bata, at ang bata'y gumaling agad.
19 Pagkatapos, nang sila-sila na lamang, lumapit ang mga alagad at tinanong si Jesus, “Bakit hindi po namin mapalayas ang demonyo?” 20 Sumagot(A) siya, “Dahil sa maliit ang inyong pananampalataya. Tandaan ninyo: kung kayo'y may pananampalataya sa Diyos na sinlaki ng buto ng mustasa, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon!’ at ito'y lilipat nga. Tunay na walang bagay na hindi ninyo magagawa.”
Read full chapter