Add parallel Print Page Options

Sino ang Pinakadakila?(A)

18 Nang(B) oras na iyon ay lumapit ang mga alagad kay Jesus, na nagsasabi, “Sino ang pinakadakila sa kaharian ng langit?”

Tinawag niya ang isang maliit na bata at inilagay sa gitna nila.

Sinabi(C) niya, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, malibang kayo'y magbago at maging tulad sa mga bata, kailanma'y hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.

Read full chapter