Font Size
Mateo 18:11-13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mateo 18:11-13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
11 [Sapagkat ang Anak ng Tao ay dumating upang iligtas ang napapahamak.][a] 12 Ano sa palagay ninyo? Kung ang isang tao ay may sandaang tupa, at isa sa kanila ay naligaw. Hindi ba't iniiwan niya ang siyamnapu't siyam sa bundok, at lumalakad siya upang hanapin ang naligaw? 13 At kapag natagpuan na niya ito, tinitiyak ko sa inyo, higit siyang matutuwa para dito nang higit kaysa siyamnapu't siyam na hindi naligaw.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 18:11 Sa ibang manuskrito wala ang talatang ito.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.