Add parallel Print Page Options

14 Kaya't hindi kalooban ng inyong[a] Ama na nasa langit na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.

Kung Magkasala ang Isang Kapatid

15 “Kung(A) magkasala laban sa iyo ang iyong kapatid, pumaroon ka at sabihin mo sa kanya ang kanyang pagkakamali kapag kayong dalawa lamang. Kung pakinggan ka niya, ay napanumbalik mo ang iyong kapatid.

16 Ngunit(B) kung hindi siya makinig ay magsama ka pa ng isa o dalawa, upang sa bibig ng dalawa o tatlong saksi ay mapagtibay ang bawat salita.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 18:14 Sa ibang matatandang kasulatan ay aking .