Font Size
Mateo 18:26-28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mateo 18:26-28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
26 Lumuhod ang lingkod sa harapan ng hari at nagmakaawa, ‘Bigyan pa po ninyo ako ng panahon at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ 27 Naawa sa kanya ang hari kaya't pinatawad siya sa kanyang pagkakautang at pinalaya.
28 “Ngunit pagkaalis roon ay nakita niya ang isa niyang kapwa lingkod na may utang sa kanya na ilang daang piso.[a] Sinakal niya ito, sabay sabi, ‘Magbayad ka ng utang mo!’
Read full chapterFootnotes
- 28 ilang daang piso: Sa Griego ay isang daang denaryo .