Add parallel Print Page Options

15 Ipinatong nga niya sa mga bata ang kanyang kamay, at pagkatapos, siya'y umalis.

Ang Binatang Mayaman(A)

16 May isa namang lalaking lumapit kay Jesus at nagtanong, “Guro, anong mabuting bagay ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?”

17 Sumagot si Jesus, “Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lang ang mabuti. Ngunit kung nais mong magkamit ng buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos ng Diyos.”

Read full chapter