Add parallel Print Page Options

17 Sumagot si Jesus, “Bakit itinatanong mo sa akin kung ano ang mabuti? Isa lang ang mabuti, at walang iba kundi ang Dios. Kung gusto mong magkaroon ng buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos.” 18 “Alin po sa mga ito?” tanong ng lalaki. Sumagot si Jesus, “Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnanakaw, huwag kang sasaksi ng kasinungalingan, 19 igalang mo ang iyong ama at ina,[a] at mahalin mo ang kapwa mo tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 19:19 Exo. 20:12-16; Deu. 5:16-20.
  2. 19:19 Lev. 19:18.