Add parallel Print Page Options

Maraming tao ang sumunod sa kanya at pinagaling niya sila sa kanilang mga sakit.

May mga Pariseong pumunta sa kanya para hanapan siya ng butas. Kaya nagtanong sila, “Pinahihintulutan ba ng Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang asawa niya sa kahit anong dahilan?” Sumagot si Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan na sa simula pa lang, nang likhain ng Dios ang mundo, ‘ginawa niya ang tao na lalaki at babae?’[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 19:4 Gen. 1:27; 5:2.