Font Size
Mateo 2:9-11
Ang Salita ng Diyos
Mateo 2:9-11
Ang Salita ng Diyos
9 Pagkarinig nila sa hari ay tumuloy na sila sa kanilang lakad. Narito, ang bituin na kanilang nakita sa silanganan ay nanguna sa kanila. Nanguna ito sa kanila hanggang sa sumapit at tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng maliit na bata. 10 Nang makita nila ang bituin, lubos silang nagalak. 11 Nang sila ay nasa loob na ng bahay, nakita nila ang bata, kasama ang kaniyang inang si Maria. Sila ay nagpatirapa at sinamba ang bata. Nang mabuksan na nila ang kanilang mga kayamanan, naghandog sila sa kaniya ng mga kaloob. Ang mga ito ay ginto, kamangyan at mira.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International