Add parallel Print Page Options

21 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, (A)Kung kayo'y may pananampalataya, at (B)di mangagaalinlangan, hindi lamang mangagagawa ninyo ang nangyari sa puno ng igos, kundi maging sabihin ninyo (C)sa bundok na ito, mapataas ka, at mapasugba ka sa dagat, ay mangyayari.

22 At (D)lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin, na may pananampalataya, ay inyong tatanggapin.

23 At pagpasok niya sa templo, ay (E)nagsilapit sa kaniya ang mga pangulong saserdote at ang matatanda sa bayan, samantalang siya'y nagtuturo, at nangagsabi, (F)Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? at sino ang sa iyo'y nagbigay ng kapamahalaang ito?

Read full chapter