Font Size
Mateo 21:33-35
Ang Salita ng Diyos
Mateo 21:33-35
Ang Salita ng Diyos
Ang Talinghaga Patungkol sa mga Magsasaka
33 Narito ang isa pang talinghaga. May isang may-ari ng sambahayan na nagtanim ng ubasan. Binakuran niya ang palibot nito. Humukay siya roon ng isang pisaang-ubas at nagtayo ng isang mataas na bahay bantayan. Pagkatapos, ipinaupahan niya iyon sa mga magsasaka at pumunta sa malayong lupain.
34 Nang dumating na ang panahon ng pag-aani, sinugo niya ang kaniyang mga alipin sa mga magsasaka upang kunin ang kaniyang bahaging ani.
35 Ngunit sinunggaban ng mga magsasaka ang kaniyang mga alipin. Hinagupit ang isa, pinatay ang iba pa at ang isa ay binato.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International