Add parallel Print Page Options

41 Sumagot ang mga tao, “Tiyak na papatayin niya ang masasamang taong iyon, at pauupahan niya ang kanyang ubasan sa ibang magsasakang magbibigay sa kanya ng parte niya sa bawat panahon ng pamimitas.” 42 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang talatang ito sa Kasulatan?

    ‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay
    ang siyang naging batong pundasyon.[a]
    Gawa ito ng Panginoon
    at kahanga-hanga ito sa atin!’[b]

43 “Kaya tandaan ninyo: hindi na kayo ang paghaharian ng Dios kundi ang mga taong sumusunod sa kanyang kalooban.

Read full chapter

Footnotes

  1. 21:42 batong pundasyon: sa literal, batong panulukan.
  2. 21:42 Salmo 118:22-23.