Add parallel Print Page Options

25 “Kahabag-habag kayo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat nililinis ninyo ang labas ng kopa at ng pinggan, ngunit sa loob ay punô sila ng kasakiman at kalayawan.

26 Ikaw na bulag na Fariseo! Linisin mo muna ang loob ng kopa at ng pinggan,[a] upang luminis din naman ang labas nito.

27 “Kahabag-habag(A) kayo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat tulad kayo sa mga pinaputing libingan na magandang tingnan sa labas, ngunit sa loob ay punô ng mga buto ng mga patay at ng lahat ng uri ng karumihan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 23:26 Sa ibang mga kasulatan ay wala ang katagang at ng pinggan .