Font Size
Mateo 23:26-28
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mateo 23:26-28
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
26 Bulag na Fariseo! Linisin mo muna ang loob ng kopa at ng pinggan,[a] at magiging malinis din ang labas nito.
27 “Kaysaklap ng inyong sasapitin, (A) mga tagapagturo ng Kautusan at mga Fariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat ang katulad ninyo'y mga libingang pinaputi na magandang tingnan sa labas, ngunit sa loob ay puno ng mga buto ng mga bangkay at ng sari-saring kabulukan. 28 At ganyan din kayo! Sa labas ay parang mga banal kung pagmasdan, ngunit sa loob ay punung-puno kayo ng pagkukunwari at kabuktutan.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 23:26 Sa ibang mga manuskrito wala ang katagang at ng pinggan.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.