Font Size
Mateo 23:33-35
Ang Biblia (1978)
Mateo 23:33-35
Ang Biblia (1978)
33 Kayong mga ahas, (A)kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?
34 (B)Kaya't, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga (C)eskriba: ang mga iba sa kanila'y inyong papatayin at ipapako sa krus; (D)at ang mga iba sa kanila'y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila'y inyong paguusigin sa bayan-bayan:
35 (E)Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa, (F)buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni (G)Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978