Add parallel Print Page Options

45 Sino nga baga (A)ang aliping tapat at matalino, na pinagkatiwalaan ng kaniyang panginoon sa kaniyang sangbahayan, upang sila'y bigyan ng pagkain sa kapanahunan?

46 Mapalad yaong aliping kung dumating ang kaniyang panginoon, ay maratnan siyang gayon ang kaniyang ginagawa.

47 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na sa kaniya'y ipagkakatiwala (B)ang lahat niyang pagaari.

Read full chapter