Font Size
Mateo 25:15-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mateo 25:15-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
15 Binigyan niya ng salaping ginto[a] ang bawat isa ayon sa kanilang kakayahan. Binigyan niya ang isa ng limanlibong salaping ginto, ang isa nama'y dalawang libong salaping ginto, at ang isa pa ay isanlibong salaping ginto. Pagkatapos nito, siya'y umalis. 16 Kumilos agad ang tumanggap ng limanlibong salaping ginto at ipinangalakal iyon. Kumita siya ng limanlibong salaping ginto. 17 Gayundin naman, ang tumanggap ng dalawang libong salaping ginto ay kumita pa ng dalawang libong salaping ginto.
Read full chapterFootnotes
- 15 SALAPING GINTO: Sa Griego ay talento, katumbas ng halos dalawampung taong sahod ng manggagawa.