Add parallel Print Page Options

“Nalalaman(A) ninyo na pagkaraan ng dalawang araw ay darating ang Paskuwa, at ibibigay ang Anak ng Tao upang ipako sa krus.”

Pagkatapos nito ang mga punong pari at ang matatanda sa bayan ay nagkatipon sa palasyo ng pinakapunong pari, na tinatawag na Caifas.

At sila'y nagsabwatan upang hulihin si Jesus sa pamamagitan ng daya, at patayin siya.

Read full chapter