Font Size
Mateo 26:25-27
Ang Biblia, 2001
Mateo 26:25-27
Ang Biblia, 2001
25 At si Judas na sa kanya'y nagkanulo, ay sumagot at nagsabi, “Hindi ako iyon, Rabi?” Sinabi niya sa kanya, “Ikaw ang nagsabi.”
Ang Banal na Hapunan(A)
26 Habang sila'y kumakain ay dumampot si Jesus ng tinapay, binasbasan niya ito at pinagputul-putol, at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, “Kumuha kayo, kainin ninyo; ito ang aking katawan.”
27 At kumuha siya ng isang saro[a] at nang makapagpasalamat ay ibinigay sa kanila, na nagsasabi, “Uminom kayong lahat nito,
Read full chapterFootnotes
- Mateo 26:27 o kopa .