Add parallel Print Page Options

Ang Huling Hapunan(A)

26 Habang sila'y kumakain, si Jesus ay kumuha ng tinapay, ipinagpasalamat niya ito at pinagputul-putol, at ibinigay sa mga alagad. Sinabi niya, “Kumuha kayo, kainin ninyo. Ito ang aking katawan.” 27 At kumuha siya ng kopa at matapos magpasalamat ay ibinigay sa kanila, at sinabi, “Uminom kayo nito, lahat kayo, 28 sapagkat (B) ito ang aking dugo ng tipan,[a] na ibinubuhos alang-alang sa marami, para sa kapatawaran ng mga kasalanan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 26:28 Sa ibang mga manuskrito ay dugo ng bagong tipan.