Add parallel Print Page Options

51 At narito, isa sa mga kasama ni Jesus ay bumunot ng kaniyang tabak. Inundayan niya ng taga ang alipin ng pinakapunong-saserdote at natanggal ang tainga nito.

52 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ibalik mo ang iyong tabak sa lalagyan nito: Ito ay sapagkat ang sinumang gumagamit ng tabak ay sa tabak din mamamatay. 53 Ipinapalagay mo bang hindi ako makakapamanhik kaagad sa aking Ama? Pagkaka­looban niya ako ng higit pa sa labindalawang hukbo ng mga anghel.

Read full chapter