Add parallel Print Page Options

Si Jesus sa Harap ni Pilato

11 Si Jesus ay tumayo sa harap ng gobernador. Tinanong siya ng gobernador na sinasabi: Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?

Sinabi ni Jesus sa kaniya: Tama ang iyong sinabi.

12 Nang siya ay pinaratangan ng mga pinunong-saserdote at ng mga matanda, wala siyang isinagot. 13 Sinabi ni Pilato sa kaniya: Narinig mo ba ang marami nilang paratang laban sa iyo?

Read full chapter